Nagtataka ako sa mga magulang na nakakayang iwanan ang anak nila at tiising lumaki ito sa ibang tao. Sabagay minsan hindi mo din sila masisisi, sa sobrang kahirapan o di kaya sa mga hindi maiiwasang hagupit ng tadhana, nilulunok na lang yung sakit na mawala sa kanila yung batang kanilang nilabas sa mundong ibabaw.
Kaso may ilan talaga na para lang mga nanganganak ng hayop, iiwanan na lang basta at pagkatapos wala ng pakialam. May ilan naman na pagkatapos ng maraming taon, nagdalaga/binata na anak nila tsaka susulpot at animo’y parang anghel na magpaparamdam ulit.
Kaya ako sobrang pasalamat kasi busog ako sa pagmamahal, napalaki ako ng parents ko at inalagaan hanggang magkaroon ng wastong pagiisip. I’m blessed to have them, kaya supah labs ko si papsy at mamsy.
Hmmm, bakit ba ito tema ng post ko? Oh well, gusto ko lang po kasing i-share tong vid galing sa youtube na nagpaantig ng puso ko (naks ang lalim nun ahh, Misyel is dat yu?). Actually napanood ko ito sa t.v. noon, naiyak ako after ko mapanood itong performance ni Kellie Pickler. Yung song kasi para sa mom niya.
Panoorin mo kung may time ka pa…























