Aloha!
2 04 2008Halos mag-iisang linggo na pala akong di nakapag-update ng mahal kong blog… Masyado lang akong naging busy kakalamon ko at paghanap ng solusyon kung paanong hindi tumaba habang panay ang kain, tsaka nagpunta kasi ako pansumandali sa planetang mars ng ilang araw. lolz!
Paganda na ng paganda ang panahon dito, naabot na din ng two digits ang weather sa wakas. Ilang linggo na lang pwede na magpaseksi ng damit kaya kailangan talaga ng diet. Kaso panay naman ang party dito kaya pano kaya ako makakapagdiet nito? Hmm, try ko talaga bawasan pagkain ko. Lately pa madalas akong antokin, kung may asawa lang ako iisipin ko ng preggy ako eh.
Nung weekend nagkita na kami ng friend ko na nagkaroon ng issue sa amin, naaalala mo ba ‘tong post kong CHUM? Oh well, after ilang linggo naglinaw din ang pagiisip nya at napagtanto niya na makipagusap na sa amin. Isang mainit na yakap ginawa namin nung magkita kami. Masaya ako na okay na ulit, sana tuloy-tuloy na ang naputol naming friendship. Weeee!
Nga pala, mahilig ka ba magshopping? Kung hindi at may control ka dito bigyan mo naman ako ng tip please…
Kapag kasi nakatuntong ako sa mall para na akong kinukuryente, hindi pwedeng wala akong mabili kaya pag-uwi ko bawas na naman yung piggy bank ko, huhuhu! Sarap kasi mamili lalo na iba na naman damit na naglalabasan ngayon, kasi spring na. Ang hirap lang yung uso ngayon sa susunod na taon hindi na kaya ang nangyayari nasa tagaun na lang yung nabili mo at magwi-wish kana lang na sana eh maging in na ito ulit.
Sa mga dumadalaw sa site ko maski na hindi ko madalas ma-update, dakal pung salamat in tagalog marami pong salamat…the best talaga kayo!
Mga Puna : 14 Puna »
Mga Marka: blog update, diet, friendship, lamon, party!
Mga Kategoriya : Uncategorized
Tag-sibol
21 03 2008Goodbye Snow!
Goodbye Winter!
See yah next time ‘coz….
Dumating na ang pinaka peyborit kong weather sunod ang summer, aba matagal din akong nagtiis sa lamig na dulot ng winter! Tatago ko na si boots ko, bubble jacket, scarf, tights at kung anik-anik pa na panlamig. Paalam na din kay depression na dulot ng winter!
Yehey! Simula na ng tag-sibol, ibig sabihin magiging makulay na naman ang kapaligiran namin. Ang mga puno na animoy kalansay ngayon unti-unting magkakaroon na naman ng mga dahon at bulaklak. Wala na si snow, si ulan naman ang kapalit which is much better!
Makakalabas na ako ng magaan ang suot na damit at kaunting late na lang sa mga lakad (dahil bawas na ang sinusuot, hehe!). At dahil wala na ang nginig at kilabot ng katawan, masarap na maglakad-lakad sa kalsada at mag tone up ng muskels. Mas tatagal na din ang liwanag at ibig sabihin nito….mas dadami na naman ang party!
Yebah! Siguradong mas makakapagkita na kami ng mga berks nito ng madalas at makakalakwatsa na naman ako ng husto, nyahahaha!
Mga Puna : 18 Puna »
Mga Marka: spring 2008, tag-sibol
Mga Kategoriya : Uncategorized
Pacquiao, wow!
17 03 2008Muli napanood ko na naman laban ni Pacquiao last Saturday. Alas siyete ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga relatives and friends sa bahay ng pinsan ko. Syempre siksikan na naman kami sa sala at salamat na lang sa satellite nakanood ako ulit ng libre hahaha!
Na-practice ko na naman tumili na parang si Regine Velasquez nung gabing yun, buti na lang mahaba pasensya ng katabi ko at hindi ako nasampal.
Aba, kada tama ata ni Manny sa kalaban maririnig mo sigawan namin, lalo na nung mapatumba niya si Marquez nung round 3.
Sayang nga lang at hindi natapos yung pag record ng pinsan ko dun sa laban nila, di ko tuloy ma-ishare doon sa mga hindi nakapanood. Buti na lang may youtube at eto nahagilap ko dito sa net baka gusto niyo panoorin ulit ng mabilisan.
Galing talaga ni Pacman! Sulit puyat ko at pag-uwi ko may 50 pesos (charing!) pa ako mula sa asawa ng pinsan ko, yuhuuuu!
Mga Puna : 14 Puna »
Mga Marka: Boxing 2008 Pacquiao vs Marquez, Manny, Marquez, Pacman
Mga Kategoriya : Uncategorized
enap!
9 03 2008Sobra na, tama na, tigilan nyo na po ang pagbuhos ng niyebe!!!!!
Malapit na ang spring pero ayaw pa din kami lubayan ng snow… Okay naman sana eh,![]()
kung paunti-unti lang kaso sumusobra na talaga. Hindi naman ganito nung mga nakaraang taon, naalala ko last year ganitong buwan ok na panahon. Ngayon? Waaahh, ilang araw na lang pa![]()
ra mag spring may snowstorm pa din!
Dahil dyan nasisira yung mga lakad namin (sisihin daw ba ang kalikasan? hehe!), syempre sino ba naman lalabas na sandamakmak ang niyebe sa kalsada?! Plus isama mo pa yung super lamig na dulot ng panahon. Minsan nakakapagod na din yung magsuot ka ng patong-patong na damit para lang umiwas sa sakit at lamig. Kailangan maglaan ka ng tamang oras para lang sa isusuot mo. One time nagtapang-tapangan ako, sabi ko sa sarili ko di ko na kailangan ng mga scarf scarf na yan at patong na mga sweater. Ayun, anak ng tinola ilang araw lang may sakit na ako. Akala ko kasi super hero ako na di na tinatablan ng lamig, hehehe!
Sa atin noon, ayaw ko kapag naulan kasi hirap ako maglakad sa kalsada na may mga putik kasi siguradong pag-uwi ko ng bahay super dumi na ng suot kong sapatos. Ngayon naman hindi na yun ang kalaban ko, kundi mga frozen snow na nagkalat sa daan. Ilang beses na din akong muntik madulas at mag-ala Miriam Quiambao sa kalsada. Kung ayos lang sanang naka-ice skates ako kapag nalabas, eh ang kaso maski pwede di ako marunong gumamit nyan, nyahahaha!
Madalas pa dumating ngayon si sadness sa akin, dala na din siguro ng klima namin. Madaming tao din ang tinatamaan ng sakit na depression kapag winter at ang malungkot nito marami din ang nadidisgrasya dahil dito.
Teka bakit ba ko nag-iinarte ng ganito ngayon? Hmmp, makagawa nga muna ng halo-halo!
Mga Puna : 10 Puna »
Mga Marka: snowstorm, winter 2008
Mga Kategoriya : Uncategorized
Ikaw kasi!
8 03 2008tanga naman oh!
Bakit kasi pinaniniwalaan mo na naman sarili mo?
Nag-assume kana naman kasi!
Eh hindi nga kayo?!
Ngayon ano nasasaktan ka? Di nga pwede na sabihin nya lahat lahat sa iyo kasi kaibigan ka lang sa kanya!
Dapat intindihin mo yan, dapat alam mo yan noon pa at dapat pinigilan mo yung nararamdaman mo!
Grow up girl, ano ka ba matuto ka naman?!
Mga Puna : 19 Puna »
Mga Kategoriya : Uncategorized
missing you
6 03 2008Simula ng sabihin mo sa akin na uuwi kana sa Pinas, nalungkot ako. Weird! Naiisip ko nga ang selfish ko, naiisip ko lang sarili ko hindi yung kung ano ang mas mabuti para sa’yo.
Mamimiss ko mga tawag mo, nakasanayan ko na kasing tinatawagan mo ako tuwing hapon. Kahit na ilang minuto lang na pag-uusap napapasaya mo yung boring kong araw. Yung mga palitan natin ng mails kapag may especial occasion. Mga usapan natin sa ym na di ko namamalayan nakakailang oras na pala tayo. Balitaktakan to the max at asaran nating dalawa na minsan napupunta sa inisan. Ang hagalpak ng pagtawa ko na akala mo’y para akong baliw minsan kapag bumira kana ng jokes mo.
Hayan, naaalala na naman tuloy kita. Emo na kung emo. Feeling ko kasi mag-iiba na ang lahat. Hindi na tulad ng dati. Almost two years din na pinasaya mo ko ha, natulungan sa mga bagay na hindi ko inexpect na magagawa mo.
Sana di mo makalimutan yung mga panahon na I’m there kapag bored ka, inaantok, walang makausap at nalulungkot. I will treasure those moments. Korniks ko na ba?
Di ko alam kung san tayo makakarating, kung pagtatagpuin nga ba tayo or hanggang doon na lang talaga? Masaya ako na nakilala kita at wala akong pinanghihinayangan sa mga oras na ginugol ko para makausap ka.
Sana lang kahit na wala kana sa bansang tinatawag mo na prison cell, maalala mo pa din ako at di ka magbago Mr Jolly Man.
Mga Puna : 14 Puna »
Mga Marka: bubbly, buddy, emo, jolly man
Mga Kategoriya : Uncategorized
chatting
3 03 2008
Trip ko noon kapag wala akong magawa at makausap papasok ako sa isang chat room at maghahanap ng kabalitaktakan. Iba’t-ibang klaseng tao ang mai-encounter mo dito… May mga mababait, totoong tao, masarap kausap, sinungaling, mapagkunwari, bastos, mild na bastos at sobrang bastos! Siguro sa sampung makakachat mo eh, dalawa lang ang okay pero infairness may ilan din akong naging kaibigan mula sa ganitong klaseng pakikipag-usap.
Matagal na din akong di napunta sa isang chat room, kaso dahil sa sobrang bored ko nung isang araw nagsubok akong makipagchitchat muli. May ilan akong nakausap at share ko lang sa inyo ‘tong usapan namin ng isa kong nakachat:
ka-chat (2/26/2008 2:31:32 PM): pwede ko ba sabihin na mahal kita
Ako(2/26/2008 2:32:20 PM): hahaha
ka-chat (2/26/2008 2:32:26 PM): bakit
Ako (2/26/2008 2:32:32 PM): eh kasi kakatuwa ka naman
Ako (2/26/2008 2:32:37 PM): ngayon lang tayo nagchat eh
ka-chat (2/26/2008 2:32:41 PM): masama ba mitch
ka-chat (2/26/2008 2:32:55 PM): wala naman problema
ka-chat (2/26/2008 2:33:01 PM): nasabi ko lng un
ka-chat (2/26/2008 2:33:08 PM): humanga ako sa iyo
ka-chat (2/26/2008 2:33:14 PM): at nainlove
ka-chat (2/26/2008 2:33:18 PM): sa ganda mo
ka-chat (2/26/2008 2:33:28 PM): d naman masama dba?
Ako (2/26/2008 2:33:35 PM): hmm ok
ka-chat (2/26/2008 2:33:35 PM): so hayaan mo ko
ka-chat (2/26/2008 2:33:59 PM): sige na ingat ka ha mahal kita
ka-chat (2/26/2008 2:34:11 PM): salamat nakilala kita
ka-chat (2/26/2008 2:34:29 PM): bye 4 now hope to see u soon
Ano sa tingin niyo maniniwala ba ako?!?
Hayyy, ayoko na talaga pumasok sa mga chat room na yan. Wala talagang buting maidudulot, puro kalokohan!
Mga Puna : 22 Puna »
Mga Marka: chat, chat room
Mga Kategoriya : Uncategorized
chum
22 02 2008Ilang taon na din tayong nagkasama-sama, halos magkakadikit na bituka natin. Sa mga party lagi tayong present. Kapag gusto mong umiyak at magbuhos ng sama ng loob o kaya gusto mong magsaya at mag celebrate isang yaya lang kasama mo na kami. Kung nabubugnot ang isa sa atin isang tawag lang, presto may pang-alis boredom kana. Kung ano-anong problema na at kabaliwan ang pinagdaanan natin pero salamat nandyan ang isa’t-isa para magpalakas at magbigay ng advice.
Kaso bakit kailangan humantong sa ganito?
Maliit na bagay lang palalakihin pa, parang mga bata! Nakakatawa naman…
Hey, talk to us! Wag mong patagalin ng ganito. Walang may kasalanan kaya hindi dapat magpalamig at mawala muna na parang si late Harry Houdini. Pare-pareho lang tayo, walang mas lamang kundi pantay-pantay lang ang turing sa bawat-isa.
Di ba ganyan dapat ang tunay na kaibigan?
Ang pride sarap kainin lalo na kapag pride chicken, hehehe! Naku wala na, non-sense na si Misyel!
Mga Puna : 10 Puna »
Mga Marka: berks, friendship, rant
Mga Kategoriya : Uncategorized




Ilang taon na din ako dito sa Canada pero ni isang beses di pa ako nakapasok ng bar para gumimik…. Once sumubok kami ng friends ko kaso umatras kami kasi di naman kami prepared that time, bigla kaming nadyahe sa get-up ng mga nakita namin papasok ng bar.














