Hindi na ako nakakapag-update sa mahal kong blog lately, dami kasing ginagawa eh… Nagiging busy si ako sa ibang bagay pero aaminin ko na pers lab ko pa din ang blogging, maaring nawawala lang ako ng ilang araw pero di ko pa din kayang isara o di kaya’y iwananan ang mundong ito na nagsilbi ng buhusan ko ng halos lahat ng nangyayari sa buhay ko pero syempre sala pa din yung iba huh, hahaha!
Kaya kung hindi man ako nakakabisita sa mga bahay nyo paumanhin po, kapag may pagkakataon naman makagamit ng pc nagba-bloghopping ako at sa totoo lang miss ko na ‘yan! Kaya gagawin ko yan, now na! Lols! Teka, pagtapos pala ng maikli kong kwento.
————-
Last Saturday may party kaming dinaluhan ng kaibigan ko, surprised party para kay Tito Tom. Dito kasi uso ang mga ganito, 50th birthday or 70th or kahit ano basta naisipan nila mag party konting asikaso dito, imbita doon, voilĂ party to the max na!
Nag-ayos ako ng araw na iyon para naman hindi ako mapagiwanan sa getup ng mga nanduon. Salamat din sa info na bigay ni Ms Anie, kahit papano eh napinturahan este naging maayos ang make up ko, pinanood ko yung make up tutorial na shinare nya at nagmukha akong tao dahil dito, hikhikhik!
Hindi ko alam kung bakit sa dami naman ng table eh napasama kami sa grupo ng mga may edad na pero ayos lang kasi mababait naman sila tsaka okay kakwentuhan. Syempre sogbu ang Misyel kasi yummy yung mga food na sinerved at may wine pang kasama pero di naman ito tequila kaya di ako lashing ng umuwi.
May games pa that time at isa ako sa mapalad na napasama, alam niyo ba yung “hep hep, hooray” ng wowowee? Ginaya nila yun at syempre ang galing ko ata, kaya sa 13 contestant ako yung unang naalis, nyahahaha! May price pa din naman akong natanggap kaya it’s not bad at all.
Another weekend passed at super na-enjoy ko ito.
Hayyy, sigurado sunod-sunod na ang party dito kasi June na at palapit na ng palapit ang summer, yeheyyy! Tapos twenty-five days to go, madadagdagan na naman ang edad ko nyay! Parang kailan lang, wala pa kong kamuwang-muwang sa mundo ika nga nila, may gatas pa sa labi.. Eh ngayon? May gatas pa din naman sa labi kaso may halo ng kape, nyahaha!
Gip ko ha, hintayin ko po.















wow dumadami na nga tayo na like si michelle! hihi! am so happy and im sure u looked so sweetie during that parteh! and i like ur “gep”!
Hahaha cool. Parteh lang ng parteh. Deprived na ako sa mga ganyan. Hirap maging corporate slave.
Advanced Happy Rakenrol Birthday! Cheezeburger na ‘yan!
yun lapit na magberthday, partee partee! sige lang
ay lapit na magsummer sa inyo, sa amin naman lapit na pasukan. baha na naman.
hayyyy
kahit kaw una naalis akalain mo un ang ganda pa rin ng prize. hahaha!
advance happy birthday!
naku.. dapat gumawa din kami ng surprise party sayo dahil malapit na bday mo.. (ai.. nisabi ko na.. di na surprise… ) hahaha.. nways’ wish you more beeeerrrdays to come.. from WALONGBOTE..
ako may pa-parteee din
happy B-day in advance! Buti naman enjoy ka pa rin kahit may mga edad na ang katabi mo .
da best ang party ng mga pinoy!
haaaaaaayyy i missed occassions like this!
tagal ko na ring hindi nakipag socialized! lecheng buhay to!
sabi ko na nga ba panira sa social life ang trabaho! hahahaha
ang cute naman nung prize, pwedeng-pwede na talaga yun!
enjoy lang nang enjoy sa mga party, sis!
hala! akala ko kaw na yung nanalo. ahehe.. makikibati na din ako ng happy bertday in adbans
siguradong mas masaya ang magiging party mo
sana may cute prizes din. hehe.
happy party ayy, happy birthdi pala… hihi… dahil dyan, i’ll add you up sa blogroll ko, hehehe…