Ilang taon na din tayong nagkasama-sama, halos magkakadikit na bituka natin. Sa mga party lagi tayong present. Kapag gusto mong umiyak at magbuhos ng sama ng loob o kaya gusto mong magsaya at mag celebrate isang yaya lang kasama mo na kami. Kung nabubugnot ang isa sa atin isang tawag lang, presto may pang-alis boredom kana. Kung ano-anong problema na at kabaliwan ang pinagdaanan natin pero salamat nandyan ang isa’t-isa para magpalakas at magbigay ng advice.
Kaso bakit kailangan humantong sa ganito?
Maliit na bagay lang palalakihin pa, parang mga bata! Nakakatawa naman…
Hey, talk to us! Wag mong patagalin ng ganito. Walang may kasalanan kaya hindi dapat magpalamig at mawala muna na parang si late Harry Houdini. Pare-pareho lang tayo, walang mas lamang kundi pantay-pantay lang ang turing sa bawat-isa.
Di ba ganyan dapat ang tunay na kaibigan?
Ang pride sarap kainin lalo na kapag pride chicken, hehehe! Naku wala na, non-sense na si Misyel!
















Let there be peace on earth…. =)
sana matauhan niyang nakakain ng pride..hehehe..masarap ata yan.
peyborit ko yung fried chicken pero yung pride chicken, hindi.. pangit kase ang lasa!
naku masama yang pride sa health. sabihin mo sa kanya, magkakasakit siya sa puso niyan. nakakalungkot talaga kung masisira ang pagkakaibigan dahil lang sa mga maliliit na bagay..
ahehe yun lang.. dapat sa chicken lang ina-attach ang pride
.. gudlak sis! sana nga tanggalin na nya ang pride nya wahehe
ayoko na sa inyo!
hindi na tayo bati!
(ako ba yun?)
ganun talaga ang friendship…it may come and go…tanging pinanghahawakan natin sa ating mga kaibigan ay ang mga masasayang recuerdo de amor! pwede naman nunca ti olvida pero pride is pride! sabon! panglinis sa banyo!
hmmmm.. pride chicken…. litsunin na kaya natin para maiba naman? lol
minsan tlga, dumdating sa ganyan, di maiiwasan, pero sa mga mag kakaibigan, redhorse +pichel + baso …. la na yan, prang walng nangyari… lahat namn ay nadadaan sa inuman este sa usapan
well..siguro she/he need space..weheheh
[...] nagkita na kami ng friend ko na nagkaroon ng issue sa amin, naaalala mo ba ‘tong post kong CHUM? Oh well, after ilang linggo naglinaw din ang pagiisip nya at napagtanto niya na makipagusap na sa [...]